4 Indonesian huli sa illegal fishing
April 4, 2005 | 12:00am
Camp Crame Apat na Indonesian national ang inaresto ng mga operatiba ng 9th Regional Maritime Office makaraang maaktuhan ang mga itong illegal na nangingisda sa karagatan ng Taganak, Zamboanga City kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Supt. Reynor Gonzales, Officer-in-Charge ng PNP-Maritime Group ang mga nasakoteng dayuhan sa pangunguna ng kapitan ng barko na si Deni Bahar, 21 at mga tripulanteng sina Ari Tiro, 23; Nuralem Paeng, 22 at Alan Tiro, 22-anyos.
Nabatid na kasalukuyang nagsasagawa ng seaborne patrol ang mga elemento ng pulisya sa bisinidad ng nasabing karagatan may 1.5 nawtikal na milya ang layo sa timog silangan ng Taganak ng masakote ang isang bangkang pangisda na may bow number 740. Isinasailalim na sa masusing imbestigasyon ng Taganak Maritime Police Precinct ang mga nasakoteng dayuhan para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa sa mga ito ng kasong kriminal. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest