^

Probinsiya

3 holdaper todas sa barilan

-
BULACAN – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang kilabot na holdaper at drug pusher ang napaslang makaraang makipagbarilan sa mga tumutugis na kagawad ng pulisya sa hangganan ng Barangay San Jose at Sta. Clara sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga.

Ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at namataang katatapos lamang makipagnegosasyon sa ipinagbabawal na droga nang makipaghabulan sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulis- Bulacan.

Nakilala lamang sa alyas Amang Junior, Rodolfo Vinega at alyas Bato ang mga napatay na suspek na pawang miyembro ng Amma Bahala na Gang.

Base sa record ng pulisya, ang naturang grupo ay pinamumunuan ng isang alyas Jay-R na sangkot sa serye ng holdapan sa buong lalawigan ng Bulacan at isa ring notoryus na nagpapakalat ng droga. Sa ulat na nakarating kahapon kay P/Chief Supt. Rowland Albano, PNP regional offfice director, narekober sa mga suspek ang tatlong baril, 150 gramo ng shabu at motorsiklong may plakang RL-3667. Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga tauhan ng pulisya upang masakote ang iba pang kasamahan ng mga napaslang na suspek. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

AMANG JUNIOR

AMMA BAHALA

BARANGAY SAN JOSE

BULACAN

CHIEF SUPT

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EFREN ALCANTARA

RODOLFO VINEGA

ROWLAND ALBANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with