Mag-asawa pinatay habang naghahapunan
March 29, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Hindi na iginalang ang katandaan ng mag-asawa at pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang lalaki sa sariling bahay sa Barangay Bartolabac, San Jacinto, Masbate, kamakalawa ng gabi.
Walang buhay na iniwan ang mga katawan ng biktimang sina Jose Dien at Ana Dien, kapwa 73-anyos ng nabanggit na barangay.
Bandang alas-7 ng gabi nang pasukin ng mga armadong kalalakihan ang bahay ng mag-asawang magkasabay na naghahapunan.
Ayon sa pulisya, hindi naman ninakawan ang mag-asawang biktima at posibleng may matinding hinanakit ang mga killer.
Inaalam naman ng pulisya kung may kinalaman ang krimen sa malaking lupaing pag-aari ng mag-asawa o kaya kagagawan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA). (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest