Ang biktima na di na umabot pa ng buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ay nakilalang si Rodeo Nabor, binata, estudyante habang ang suspek na agad namang nasakote ng mga awtoridad ay nakilala namang si Ruben Nabor, isang magsasaka; kapwa residente ng nabanggit na lugar.
Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-9:30 ng gabi matapos na umuwi ang biktima at hanapin ang alagang aso na isinumbong ng kapatid nitong kinatay saka ginawang pulutan ng kanilang ama.
Dahil dito ay sinugod ng binata ang kaniyang ama at sinumbatan sa pagpatay sa kaniyang mahal na alagang aso na ikinagalit naman ng matanda.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mag-ama na nauwi sa pamamaslang sa biktima. (Ed Casulla)