^

Probinsiya

1 kumander ng NPA timbog

-
LEGASPI CITY – Isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) ang nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Phil. Army at Phil. National Police sa Sitio Manapao-Napao, Barangay Maguiron, Guinobatan, Albay kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang hinuling kumander na si Norberto Losabla, aka "Richard", isang mataas na opisyal ng Plager Front Committee 77 bilang Vice Commanding Officer, na ang operasyon ay sa ikatlong distrito ng Albay.

Batay sa ulat ni Col. Arsenio Arugay, Brigade Commander ng 901st Infantry Brigade, ang naturang opisyal ng NPA ay nasakote dakong alas-2:10 ng madaling-araw sa lamay ng kanyang tiyahin sa naturang lugar.

Ang paghuli sa suspek ay base sa warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Antonio Bagagman ng MTC Guinobatan, Albay sa kasong murder at frustrated murder noong 2002.

Ayon sa impormasyon, ang naturang opisyal na rebelde ang responsable sa pamamaslang sa kapatid ni DOST Usec. Eriberta Nepomuceno na founder ng Kilusang Kontra Komunista (KKK) na si Atty. Dr. Ricardo Nepomuceno at sa dalawang sundalo na escort nito sa Brgy. Iraya Sur, Oas, Albay noong Abril 5, 2004.

Nabatid na ang suspek ay nakilala ng isang asset ng militar na naglalamay sa nasawi nitong tiyahin kung kaya’t kaagad na nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Phil. Army at PNP upang hulihin ang naturang kumander ng NPA.

Napag-alaman na ang suspek ay matagal nang pinaghahanap dahil sangkot ito sa mga pamamaslang sa ilang sibilyan sa nasasakupang lugar. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

ARSENIO ARUGAY

BARANGAY MAGUIRON

BRIGADE COMMANDER

DR. RICARDO NEPOMUCENO

ED CASULLA

ERIBERTA NEPOMUCENO

GUINOBATAN

INFANTRY BRIGADE

IRAYA SUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with