24 naisalba sa sex den

BULACAN — Dalawampu’t apat na kababaihan kabilang na ang anim na menor-de-edad ang naisalba ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group makaraang salakayin ang isang diskuhan na pinaniniwalaang front ng prostitusyon sa kahabaan ng McArthur Highway sa Barangay Lolomboy, Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat nina P/Inspector Fernando Ferrer at Marlon Sanchez II, bandang alas-10 ng gabi nang salakayin ang D’Corrs Disco pub na pag-aari ni Eduardo Laguitao ng Barangay Lumbok, Pulilan, Bulacan.

Pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng kababaihan at kasalukuyang nasa pangangalaga ni Rowena Joson, hepe ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO). (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments