^

Probinsiya

Kinidnap na engineer,1 pa nailigtas

-
Camp Aguinaldo – Matapos ang 3 araw na pagkakabihag, nailigtas ng mga tauhan ng Phil. Marines ang kinidnap na engineer at kasamahan nito sa isinagawang magkakahiwalay na rescue operations sa lalawigan ng Lanao del Norte at Lanao del Sur kamakalawa.

Kinilala ang mga nailigtas na sina Engineer Vincent Jariol at Gerald Tumawis.

Sa isang phone interview, sinabi ni 2nd Marine Brigade Commander at Commander ng Task Force Ranao, Brig. Gen. Ben Dolorfino ang mga biktima ay nailigtas ng kanyang mga tauhan sa isinagawang magkakasunod na operasyon sa nabanggit na mga lalawigan.

Nabatid na si Jariol ay narekober sa Brgy. Cadayonan, Balo-I, Lanao del Norte habang si Tumawis ay sa bahagi ng Saguiran Highway, Lanao del Sur.

Hindi naman malinaw kung nakapagbayad ng ransom ang pamilya ng mga biktima sa mga kidnappers na nauna nang humingi ng P5 milyon ransom para sa kalayaan ni Jariol at P1 milyon naman kay Tumawis.

Matatandaan na ang mga biktima ay kinidnap ng mga armadong suspek sa downtown ng Iligan City noong Marso 3 ng taong ito. (Joy Cantos)

BEN DOLORFINO

CAMP AGUINALDO

ENGINEER VINCENT JARIOL

GERALD TUMAWIS

ILIGAN CITY

JARIOL

JOY CANTOS

LANAO

MARINE BRIGADE COMMANDER

NORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with