^

Probinsiya

'Planong pagpatay sa PSN reporter pakana ni Calimlim -- RHB

-
SUBIC BAY FREEPORT – Mariing pinabulaanan ng grupong Rebolusyunaryong Hukbo ng Bayan (RHB) ang malisyosong bintang ni Anti-Smuggling Task Force (ASTF) chief ret. Gen. Jose Calimlim sa planong paglikida ng kanilang grupo sa mamamahayag na ito na pawang gawa-gawa lamang ng dating heneral.

Sa ipinalabas na press statement ng RHB noong Marso 1, 2005, pinasinungalingan ng tagapagsalita na si Red Olalia ang pahayag at bintang ni Calimlim na gagamitin ng mga smugglers ang serbisyo ng RHB bilang ‘hired assassins’ sa pagpatay sa reporter na ito upang ang krimen ay ibintang daw sa hepe ng ASTF.

Ayon pa sa ulat, na maagang naghuhugas kamay si Calimlim sa mismong plano nitong paglikida sa PSN reporter at kung sakaling may mangyari ngang asasinasyon ay ibibintang sa naturang grupo.

Nakasaad sa pahayag ni Olalia, na pinamagatan nitong "Calimlim is conjuring a plot in making fortunes in smuggling," na may nagaganap na malaking away sa loob ng samahan ng mga smuggling syndicate na kumikilos sa Freeport.

Isinasangkalan umano ni Calimlim ang posisyon nito bilang hepe ng anti-smuggling sa Subic upang monopolyohin at angkinin ang lahat ng negosyo ng smuggling sa Freeport na tinawag na "Calimlim-Task Force Subic Corporation" at insidente namang nadadamay ang ilang mga responsableng media practitioners sa kanilang "inter-corporate war."

Sinabi pa ni Olalia, bilang ex-chief ng Intelligence Services of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP), ginagamit nito ang pagkabihasa sa psy-war operations sa paglikha ng plano sa umano’y kanyang mga ka-kumpetensya sa negosyo ng smuggling sa bansa.

"Upang maisakatuparan ang kagustuhan ni Calimlim sa loob ng Subic Bay Freeport ay tatakutin ang mga reporter na may negatibong isinusulat laban sa kanya," dagdag pa ni Olalia. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ANTI-SMUGGLING TASK FORCE

CALIMLIM

CALIMLIM-TASK FORCE SUBIC CORPORATION

INTELLIGENCE SERVICES OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

JEFF TOMBADO

JOSE CALIMLIM

OLALIA

REBOLUSYUNARYONG HUKBO

RED OLALIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with