^

Probinsiya

Trader kinidnap

-
Camp Olivas, Pampanga Isang 53-anyos na negosyante ang dinukot kamakalawa ng dalawang di pa nakilalang armadong lalaki na hinihinalang miyembro ng isang kidnap-for-ransom (KFR) gang sa Brgy. Nonong Sr., sa bayan ng San Luis, Aurora kamakalawa.

Sa ulat ng tanggapan ni Central Luzon Regional Police Director P/Chief Supt. Rowland Albano, kinilala ang biktima na si Esteban Pastor, residente ng Brgy. Dimatubo ng nabanggit na barangay.

Ayon sa imbestigasyon, nakagawian na ng biktima na mag-ehersisyo tuwing hapon at habang sakay ito ng kanyang Yamaha RS na motorsiklo nang harangin ng mga kidnapper na sakay naman ng isang kulay asul na van na walang plaka.

Armado ng malalakas na kalibre ng armas ay sapilitang kinaladkad ng mga suspek ang biktima pasakay sa kanilang behikulo.

Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas tangay ang biktima patungo sa direksiyon ng Cabanatuan City.

Naglunsad na ng search and rescue operations ang mga awtoridad para iligtas ang biktima at madakip ang mga kidnapper.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kasong ito upang matukoy at maaresto ang grupong responsable sa pagdukot sa biktima. (Resty Salvador)

BRGY

CABANATUAN CITY

CAMP OLIVAS

CENTRAL LUZON REGIONAL POLICE DIRECTOR P

CHIEF SUPT

ESTEBAN PASTOR

NONONG SR.

RESTY SALVADOR

ROWLAND ALBANO

SAN LUIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with