5 holdaper nadakma
February 9, 2005 | 12:00am
CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan Limang kalalakihan na pinaniniwalaang sangkot sa serye ng holdapan ang nadakma ng mga kagawad ng pulisya makaraang salakayin ang pinagkukutaan ng mga ito sa Brgy. Tibagan, San Miguel, Bulacan kahapon ng umaga.
Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina: Roberto dela Cruz, 31; Alvin Legaspi, 31; utol nitong si Rino Legaspi, 41; Leonidez Cheneco, 30; at Edgardo Cheneco, 24, na pawang naninirahan sa nabanggit na barangay.
Sa ulat ni P/Supt. Ferdinando Sevilla, Bulacan PIIB chief na isinumite kay P/Chief Supt. Rowland Albano, PNP regional director, nakumpiska sa mga suspek ang apat na baril, mortar bomb, ibat ibang uri ng bala ng baril at mga apparatus sa pagbuo ng armas.
Bandang alas-7 ng umaga nang isagawa ang pagsalakay base sa ipinalabas na search warrant ni Judge Candido R. Belmonte ng Malolos Regional Trial Court Branch 22 at sinaksihan nina Barangay Chairman Isidro Santos ng San Vicente; Barangay Chairman Enrico dela Cruz at Sheriff Ruben Hernandez. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended