Barko lumubog; 83 pasahero, crew nailigtas
January 30, 2005 | 12:00am
Walumput tatlong pasahero at tripulante ang nasagip kabilang ang limang sanggol matapos na lamunin ng dagat ang isang pampasaherong barko na lumubog sa karagatan ng Coron, Palawan kamakalawa ng umaga.
Sa report ni Lt. Armand Balilo, Public Information Office Chief ng Phil. Coast Guard (PCG), dakong alas-11:45 ng umaga nang tuluyang lumubog ang M/V Joy Rubi, isang cargo/passenger RORO vessel na pag-aari ng Atienza Shipping Lines malapit sa pier ng Coron, Palawan.
Ang nasabing barko ay umalis dakong alas-6 kamakalawa ng gabi sa Pier 8, North Harbor Manila patungong Coron Palawan.
Ito ay may lulang 58 pasahero at 25 tripulante na naglalayag noong Biyernes ng gabi nang magka-aberya ito ilang nawtikal na milya ang layo sa pier ng Coron bandang alas-9:30 ng umaga noong Sabado.
Gayunman, bago pa man dumating ang nasabing barko sa Coron, Palawan ay nagsimula na itong pasukin ng tubig habang sinisikap ng kapitan nito at mga tripulante na makarating sa Port ng Coron nang sumaklolo ang mga elemento ng PCG at nailigtas ang mga pasahero gayundin ang mga tripulante
Sinabi ni Capt. Arthur Olivario, District Commander ng Palawan Coast Guard, nabutas ang likurang bahagi ng barko na naging sanhi ng insidente habang nagsasagawa na ng paglilinis ang mga tauhan ng PCG sa iniwang oil spill sa naturang karagatan. (Ulat nina Gemma Amargo-Garcia at Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest