Ayon sa ulat, inamin naman ng suspek na kasapi siya ng grupong "Eddie Padrejas" na gumagawa ng pekeng pera. Sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Banko Sentral ng Pilipinas at Cavite Provincial Civil Security Unit, nadakip ang suspek noong Miyerkules, Enero 12, 2005 matapos na makatanggap ng impormasyon. (Ulat ni Lolit Yamsuan)
1 timbog sa pekeng P3,000
IMUS, Cavite May posibilidad na kasapi ng malaking sindikato na nagpapakalat ng pekeng pera ang isang mister makaraang makumpiskahan ng tatlong pirasong pekeng tig-sanglibong piso sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Luciano, Trece Martirez City, Cavite kamakalawa. Pormal nang kinasuhan ang suspek na si Edmond Depallo ng Barangay Hugo Perez ng nabanggit na lungsod.