Mag-asawa’t anak binoga

PLARIDEL, Bulacan — Binaril at napatay ang isang 51-anyos na misis habang kritikal naman ang asawa’t anak na binata ng hindi kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa Barangay Banga Second ng bayang ito kamakalawa. Napuruhan ang biktimang si Maria Cristina Jao, mananahi ng damit, habang grabe naman sina:Eduardo Jao, 50; at Brian Lovie Jao, 19, na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan ng suspek habang tinutugis ng pulisya. Lumitaw sa imbestigasyon na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang pamilya Jao sa hindi kilalang lalaki hanggang sa magbunot ng baril ang suspek saka isinagawa ang krimen. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments