^

Probinsiya

3 pulis, 2 NPA rebels patay sa sagupaan

-
CAMP CRAME – Tatlong kagawad ng pulisya at dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa naganap na madugong engkuwentro kahapon ng umaga sa Davao Oriental.

Nakilala ang mga nasawing pulis na sina: SPO2 Felix Cantiga Canles; SPO1 Eladio Mallari Albores; at PO3 Eduardo Suico Lealde, pawang mga nakatalaga sa 1105th Police Provincial Mobile Group ng nabanggit na lugar.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang rebeldeng nasawi. Bukod dito, pinaniniwalaan na marami pa sa mga kasamahan ng kalaban ang nasugatan sa sagupaan.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente bandang alas-6 ng umaga sa bisinidad ng Sitio Baybay, Barangay Baculin, Banganga, Davao Oriental.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng preventive patrol ang mga pulis sa pamumuno ni Cantiga nang makasagupa ang may 30 armadong rebelde.

Kusang umatras ang mga rebelde makarang mabatid na rumesponde ang iba pang tauhan ng 1105th PPMG at mga pulis. (Ulat ni Angie dela Cuz)

BARANGAY BACULIN

CAMP CRAME

DAVAO ORIENTAL

EDUARDO SUICO LEALDE

ELADIO MALLARI ALBORES

FELIX CANTIGA CANLES

NEW PEOPLE

POLICE PROVINCIAL MOBILE GROUP

SITIO BAYBAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with