NPA rebels hinihikayat na magbalik-loob sa pamahalaan
November 7, 2004 | 12:00am
NUEVA ECIJA Hinikayat ngayon ni Nueva Ecija Gov. Tomas Joson III, ang mga opisyales ng barangay sa probinsiya na tulungan siya ng mga ito na kumbinsihin ang mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) na magbalik-loob sa pamahalaan.
Sa kanyang pakikipagtalastasan kay P/Sr. Supt. Alex Paul Monteagudo, Nueva Ecija PNP director, sinabi ni Joson na ito ang programa ng pamahalaang panlalawigan.
Ito ay magagawa, ayon pa kay Joson sapagkat sa isang barangay ay alam ng isang namumuno kung ano ang pagkatao ng bawat isa.
Ang kapalit nito ay nakahanda ang pamahalaang panlalawigan na tulungan ang naturang barangay sa mga programang pangkabuhayan para sa kanilang nasasakupan.
Sa ulat ni Monteagudo kay PNP Region 3 Director Quirino dela Torre, sinabi nito na ang unang barangay na makakakuha ng tulong kay Gov. Joson ay ang Brgy. Bambanaba, Cuyapo, Nueva Ecija, sa pagkakumbinsi kay Jayson Mangaowang, alyas Ka George, isang miyembro ng NPA na kaanib sa Samahang Yunit Propaganda (SYP).
Sa tactical interrogation, sinabi ni Ka George na ang kanyang grupo sa pamumuno ng isang Ka Roding ay nasangkot sa pagpatay kay Arnel Mata ng Brgy. Lenneo, Guimba, NE, isang alyas Baldo, ex-CAFGU at isang Isko Bautista ng Brgy. Butao, Cuyapo, Nueva Ecija.
Si Ka George ay sumapi sa kilusan noon lamang ika-13 ng Disyembre 2003. Ang kanilang grupo ay kumikilos sa mga bayan ng Nampicuan, Guimba, Talugtug at Lupao, Nueva Ecija. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest