Mayor,bodyguard patay sa ambush
October 31, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Tinambangan at napatay ang isang alkalde at alalay nitong pulis ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na ikinasugat ng malubha ng isa pa habang ang mga biktima ay nagja-jogging sa kahabaan ng Barangay Margaay, Vintar, IIocos Norte kahapon ng umaga.
Binistay ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ang mga biktimang sina: Vintar Mayor Eleuterio Mabanag at security escort na si SPO1 Nestor de San Juan.
Samantalang ginagamot naman sa Ablan Provincial Hospital ang isa pang kasamahan ni Mayor Mabanag na si Rogelio de Leon na tinamaan ng ligaw na bala at nasa kritikal na kondisyon.
Sa inisyal na imbestigasyon ni P/Senior Supt. Rolando Rabara, provincial director, naitala ang pananambang bandang alas-6:15 ng umaga habang nagja-jogging ang mga biktima.
Wala pang lumulutang na testigo para kilalanin ang mga killer na pinaniniwalaang binayaran upang isagawa ang pamamaslang. "Lahat ng anggulo ay kasalukuyang sinisilip partikular na ang mga kalaban ng alkalde sa pulitika," ani Rabara.
Napag-alaman na noong nakalipas na taon ay nagkilos-protesta ang 100 residente sa pangunguna ng mga kalabang pulitiko upang pagbitiwin sa puwesto si Mayor Mabanag.
Ipinoprotesta rin ang pagkapanalo ni Mayor Mabanag noong nakalipas na halalan.
Ayon pa sa pulisya, nakakatanggap ng pagbabanta sa buhay si Mayor Mabanag matapos ang bayolenteng pakikipagsagupaan sa mga nagkilos-protestang residente kabilang na ang mga kalaban nito sa pulitika.(Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest