^

Probinsiya

Pentagon KFR group demoralisado na

-
CAMP AGUINALDO – Demoralisado na ang Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) group dahilan sa sunud-sunod na pag-iskor ng militar laban sa nasabing grupo na namumugad sa Central Mindanao.

Sa panayam kay Army’s 6th Infantry Division (ID) Commanding General Major Gen. Raul Relano, sinabi nito na walang naitatalang kaso ng kidnapping sa Central Mindanao kasunod ng pagkakapatay sa air strike operations sa lider ng Pentagon na si Commander Alonto Tahir at ng ikalawang pinuno ng grupo na nakilala sa alyas na Commander Tapuyak noong nakalipas na Agosto.

Ang Pentagon KFR ay responsable sa pagdukot sa mayayamang negosyante sa Central Mindanao habang ang mga ito rin ang itinuturong responsable sa pagbihag kay Italian priest Fr. Guiseppi Pierantoni noong Oktubre 17, 2002 sa Dimataling, Zamboanga del Sur. Sinabi ni Relano na paliit ng paliit ang mundo ng Pentagon dahilan hindi titigil sa operasyon ang militar hangga’t hindi ang mga ito napupuksa. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AGOSTO

ANG PENTAGON

CENTRAL MINDANAO

COMMANDER ALONTO TAHIR

COMMANDER TAPUYAK

COMMANDING GENERAL MAJOR GEN

GUISEPPI PIERANTONI

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

RAUL RELANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with