Manny Pacquiao, isinabit sa kasong murder
September 29, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Nadawit na naman sa panibagong kontrobersiya si boxing champion Manny Pacquiao matapos na isangkot sa pagpaslang sa isang dating Army sa General Santos City, ayon sa ulat kahapon.
Itoy matapos lumantad ang isang nagpakilalang Maritess Francisco at iturong si Pacquiao ang utak sa pagpatay sa kanyang asawa dahilan sa pakikipagrelasyon nito sa nakababatang kapatid na babae ng sikat na boksingero.
Batay sa ulat, ang biktimang kinilalang si Sgt. Tomas Francisco ay inambush at napatay ng di pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa kahaban ng national highway ng lungsod kamakailan.
Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na isa sa mga suspek ay pinaniniwalaang bodyguard ni Pacquiao.
Ayon pa sa pahayag ni Maritess, maraming beses na nakatanggap ng pagbabanta ang kanyang asawa mula sa Filipino boxing champion matapos na saktan ang kanyang mister ang kapatid ni Pacquiao na kinilalang si Isidra.
Labis na ikinagalit nang matuklasan nitong ang lover ng kanyang kapatid ay may asawa na.
Nabatid pa kay Maritess na nagbanta si Pacquiao na gagastos ng P1 milyon para ipapatay ang kanyang mister, bagaman binalewala lamang niya ito sa pag-aakalang dala lamang ng sobrang galit kaya ito nagawa ng boxing champion.
Gayunman, nang mapatay ang kanyang asawa ay wala siyang ibang pinaghinalaang maaaring gumawa nito kundi si Pacquiao.
Sa kabilang banda ay itinanggi naman ng kapatid ni Pacquiao na may namamagitang bawal na relasyon sa kanila ng biktima.
Sinabi pa nito na wala rin umanong katotohanan ang paratang ni Maritess na pinagbantaan ng kanyang Kuya Manny ang buhay ng napatay na dating sundalo na nagretiro sa serbisyo nitong nakalipas na buwan ng Mayo.
Maging ang ina ni Pacquiao na si Dionisia ay nagsabing walang kinalaman ang kanyang anak sa krimen sa gitna na rin ng mainit na pag-eensayo nito sa United States para muling sumabak sa boxing. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest