2 CAFGU grabe sa pagsabog ng granada
September 26, 2004 | 12:00am
Camp Aguinaldo Dalawang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang malubhang nasugatan matapos sumabog ang inihagis na granada ng mga pinaghihinalaang kasapi ng New Peoples Army (NPA) sa tahanan ng isang anti-communist leader sa Davao City kamakalawa.
Ang mga biktima na kinilalang sina Rolando Manulang at Nestor Atolor ay mabilis na isinugod sa Davao Medical Center para malapatan ng lunas.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Narciso Abaya, bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa tahanan ng anti-communist leader na si Datu Rubin Labawan sa Block 31, Lot 32, Peter St., Phase 2, Emily Homes, Buhangin ng lungsod na ito
Nabatid na mahimbing na natutulog ang mga biktima nang biglang sumulpot sa lugar ang dalawang kahinahinalang kalalakihan na lulan ng motorsiklo at hagisan ang mga ito ng granada saka mabilis na tumakas sa lugar.
Narekober sa pinangyarihan ng pagsabog ang dalawang safety lever at isang fuse ng handgrenade. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest