4 most wanted timbog

Camp Crame – Apat na tinaguriang ‘most wanted’ na kriminal ang isa-isang nahulog sa batas sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Marinduque, Palawan at Basilan kamakalawa.

Sa report, bandang alas-7:30 ng umaga nang unang madakip ng pulisya sina Felix Rabe, 32, ng Brgy. Caganhao, Sta. Cruz at Roberlito Mascareñas; pawang nahaharap sa kasong robbery sa isinagawang ‘dragnet operation’ sa nabanggit na lugar.

Sumunod namang naaresto dakong alas-10:30 ng umaga si Vicente Hilamon, 50, ng Roxas, Palawan matapos na magpalabas ng warrant of arrest si Judge Panfilo Selva ng Regional Trial Court (RTC) Branch 49 dahilan sa kinakaharap nitong kasong murder.

Bandang alas-6:30 naman ng gabi nang dakpin ng mga awtoridad ang number 5 most wanted sa lalawigan ng Basilan.

Ang suspek na si Domingo Ramos alyas Gol ng Brgy. Limook, Lamitan, Basilan ay nahaharap naman sa mga kasong 6 counts ng kidnapping at serious illegal detention, anim na counts ng murder at isang count ng kasong rape. (Ulat ni Angie de la Cruz)

Show comments