2 tiktik ng militar itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang tiktik ng militar at pulisya ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa magkahiwalay na bayan ng Catanduanes at Masbate kamakalawa. Si Francisco Bustamante, 40, ay inupakan sa Sitio Balungkitan, Barangay Nipa, Palanas, Masbate habang nananghalian sa kanyang bahay, samantalang si Noe Posada, 47, naman ay pinagbabaril ng mga rebelde habang papalabas ng sariling bahay sa Barangay Bigaa, Virac, Catanduanes. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments