Ama pinapatay ng sariling anak
September 16, 2004 | 12:00am
ORION, Bataan Isang 80-anyos na ama ang pinagtulungang barilin at saksakin hanggang sa mapatay ng apat-katao kabilang na ang sariling anak ng biktima noong Biyernes ng gabi, Setyembre 10, 2004 sa Sitio Bangot, Barangay Sto. Domingo, Orion, Bataan.
Natagpuan sa madamong bahagi ng nabanggit na barangay ang bangkay ni Adriano Clavel ng Sitio Sagingan, Barangay Sabatan.
Samantalang dalawa sa apat na suspek ay nakilalang sina: Lourdes de Belen y Clavel, 48, biyuda, anak ng biktima at Edwin Bagtas, 31, may-asawa, ng Barangay Sabatan habang tinutugis naman sina: Noli Pangilinan ng Barangay Bilolo at isang hindi nabatid ang pangalan.
Lumilitaw sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi noong Sept. 10 habang naghahapunan ang biktima ay pumasok sa kanilang bahay ang tatlong suspek at inimbitahan ang matanda sa labas para pag-usapan ang pinaplanong proyekto.
Subalit tatlong araw na ang nakalilipas ay hindi pa rin bumalik ang matanda sa kanilang bahay, kaya ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.
Hanggang sa matagpuan ang bangkay ng matanda.
May paniniwala naman ang mga kapitbahay ng biktima na pinapatay ni Aling Lourdes ang kanyang sariling ama sa kadahilanang inabuso ng matanda ang kanyang anak na babae na labis nitong ikinagalit sa ama. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended