Kasapi ng Pentagon KFR, timbog

CAMP AGUINALDO — Hindi nagtagal ang ginawang pagtatago ng isang kasapi ng Pentagon kidnap-for-ransom gang makaraang masakote ng tropa ng militar sa isinagawang pagsalakay sa pinagkukutaan nito sa Purok 4, Barangay Bulalo, Sultan Kudarat, Maguindanao kamakalawa. Ang suspek na kilalang sangkot sa pagdukot sa Tsinoy rice trader na si Martina Lee Martin sa Libungan, North Cotabato noong 2000 ay nakilalang si Tanton "Tani" Alih na wanted sa serye ng kidnapping sa Central Mindanao. Ang pagkakadakip sa suspek ay bunsod ng impormasyong nakalap ng militar sa kanilang tiktik at base na rin sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Cotabato Regional Trial Court Branch 13. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments