^

Probinsiya

P.5-M para pabagsakin ang gobernador ng Cavite

-
CAVITE — Muli na namang gumana ang makinarya ng mga kalaban sa pulitika ni Cavite Governor Ayong S. Maliksi para pabagsakin ang matibay na pamamahala sa loob ng tatlong taong termino sa buong Cavite.

Kabilang sa nakalatag na plano ng kalaban sa pulitika ni Gov. Maliksi ay ang pagpapalabas ng mga isyung may kinalaman sa compromise agreement sa mga lokal na pahayagan upang maiparating sa mga Kabitenyo na may naganap na anomalya at naging masama sa paningin ang pamamalakad ng nasabing gobernador.

Base sa nakalap na impormasyon ng PSN, aabot sa P.5-milyong ang inilaang pondo ng mga kalaban sa pulitika ni Governor Maliksi sa apat na local na pahayagan upang mailabas lamang ang kanilang akusasyon.

Aabot sa 10,000 kopya ang ipalalabas ng apat na local na pahayagan sa tuwing Lunes na may kabuuang 100,000 sa loob ng isang buwan.

"Tapos na ang isyu ng compromise agreement at walang anumang anomalyang naganap at sa katunayan ay sinang-ayunan ito ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan," pahayag ni Governor Maliksi.

"Abangan na lamang natin ang magandang magaganap sa compromise agreement at kung tunay nga na may anomalya na katulad ng akusasyon ng mga kalaban natin sa pulitika ay saka na lamang tayo gumawa ng hakbang," dagdag pa ni Governor Maliksi. (Mario D. Basco)

vuukle comment

AABOT

ABANGAN

BASCO

CAVITE

CAVITE GOVERNOR AYONG S

GOVERNOR MALIKSI

MALIKSI

MARIO D

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with