Kinilala ni AFP-Southcom Chief Major Gen. Generoso Senga ang nahuling suspek na si Adzhar Ismael, alyas Abu Junaid.
Ang suspek ay positibong itinuro ng mga nakalayang biktima na siyang responsable sa pagdukot sa mahigit 70-katao kabilang si Fr. Gallardo, mga guro at estudyante sa Tumahubong, Isabela City, Basilan noong 2000.
Ang grupo ni Hapilon ang natukoy na sangkot sa brutal na pagpaslang kay Gallardo matapos na tumangging yakapin ang pananampalatayang Islam.
Ayon kay Senga ang pagkakadakip sa suspek ay matapos ang masusing surveillance operations na isinagawa ng mga intelligence operatives ng Armys 103rd Brigade sa nasabing lungsod. (Joy Cantos)