^

Probinsiya

Opisyal ng Comelec todas sa ambush

-
CAMP CRAME – Tinambangan at napatay ang isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nagmamaneho ng sasakyan sa kahabaan ng highway na sakop ng Macapagal St, Rosary Height, Cotabato City kamakalawa.

Idineklarang patay sa Cotabato Regional and Medical Center ang biktimang si Israel Kamid, 31, assistant provincial election supervisor at naninirahan sa Shariff Kabunsuan Rosary Height 3 ng nabanggit na lungsod.

Naitala ang pananambang dakong alas-2:40 ng hapon matapos na haragin ng mga armadong kalalakihan ang owner-type jeep ng biktima.

Sa kasalukuyan ay hindi pa matukoy ang motibo ng krimen, subalit may teorya ang pulisya na may bahid ng pulitika kaugnay sa nakalipas na halalan. (Ulat ni Joy Cantos)

COMELEC

COTABATO CITY

COTABATO REGIONAL AND MEDICAL CENTER

IDINEKLARANG

ISRAEL KAMID

JOY CANTOS

MACAPAGAL ST

NAITALA

ROSARY HEIGHT

SHARIFF KABUNSUAN ROSARY HEIGHT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with