^

Probinsiya

Magsasaka dinedo dahil sa lupa

-
SAMAL, Bataan May posibilidad na lupaing sinasaka ang naging ugat kaya binaril at napatay ang isang 54-anyos na magsasaka ng nag-iisang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nanonood ng telebisyon sa sariling bahay sa Barangay Imelda, Samal, Bataan kamakalawa. Pinilit na isalba ang buhay ng biktimang si Mario Sombilla, subalit hindi na umabot pa ng buhay sa Orani Emergency Hospital. Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Elmer Macapagal, Bataan provincial director, bandang alas-7 ng gabi nang pumasok ang hindi kilalang lalaki at agad na pinaputukan ang biktima na nanonood ng telebisyon kasama ang asawa’t anak. (Jonie Capalaran)
Guwardiya Todas Sa Sariling Baril
BULACAN
Isang kagawad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakatalaga sa Balagtas municipal jail ang iniulat na nasawi makaraang pumutok sa bibig ang sariling baril na kanyang nililinis habang nagbabantay sa kulungan kamakalawa ng hapon. Walang buhay na bumulagta ang biktimang si Jail Officer 1 Rizaldy Quinzon, 35, may asawa at residente ng Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan. Ayon sa kasamang jail guard ng biktima na tumangging ibigay ang pangalan, hinihipan ni Quinzon ang barrel ng sariling baril nang biglang pumutok. May paniwala naman ang pulisya na may naiwang bala sa chamber ng baril kaya naganap ang insidente. (Efren Alcantara)

vuukle comment

BARANGAY IMELDA

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

EFREN ALCANTARA

ELMER MACAPAGAL

GUWARDIYA TODAS SA SARILING BARIL

JAIL OFFICER

JONIE CAPALARAN

MARIO SOMBILLA

ORANI EMERGENCY HOSPITAL

PULONG BUHANGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with