^

Probinsiya

Shabu sa mga 'imported' na sasakyan

-
SUBIC BAY FREEPORT – May ilang daang-kilong shabu ang pinaniniwalaang ipinapasok sa bansa sa pamamagitan nang importasyon nang used utility vehicle at luxury vehicles at ang Freeport Zone ang ginagamit bilang entry point ng malaking international organized drug syndicate.

Ito ang ibinunyag sa PSN ng isang mapagkakatiwalaang impormante na tumangging ihayag ang pangalan, ilang daang kilong ipinagbabawal na droga ang naipapasok sa bansa sa nabunyag na kakaibang modus operandi ng sindikato kasabwat ang ilang tiwaling kawani ng Bureau of Customs (BoC).

Ayon sa impormante, isang alyas Mel na kasabwat ng mga tiwaling tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Section (CIIS) ng Bureau of Customs ang itinuturong lider ng sindikato kasabwat ang ilang empleyado ng BoC-Port of Subic.

Isiniwalat pa ng impormante, ilang rehistradong locator sa Freeport ang pinaniniwalaang kasabwat sa ilegal na operasyon at ginagamit ang importasyon ng mga used vehicles.

Napag-alamang itinatago ang shabu sa loob ng upuan ng mga sasakyang ini-import ng mga locator sa Freeport mula sa Japan at nabatid din na galing ang naturang droga sa China at isang maimpluwensyang Tsinoy na may-ari ng kumpanya ang siyang kumokontak naman sa drug syndicate na nakabase sa China.

Idinagdag pa ng impormante, sa oras na pumasok ang mga markadong kargamento na nakapaloob sa container van ay kaagad inilalabas nang palihim ang mga ito patungo sa Maynila. (Ulat ni Jeff Tombado)

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS INTELLIGENCE AND INVESTIGATION SECTION

FREEPORT ZONE

IDINAGDAG

ISINIWALAT

JEFF TOMBADO

MAYNILA

PORT OF SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with