^

Probinsiya

Cellphone, gadgets pinagbawal sa iskul sa Bukidnon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Cellphone, gadgets pinagbawal sa iskul sa Bukidnon
Stock image of people using their mobile phone.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Dahil sa serye ng mga karahasan sa ilang eskuwelahan na kumitil ng buhay at ikinasugat ng mga estudyante, ipinagbawal ang paggamit ng mga cellular phone maging mga gadgets sa isang high school sa Pangantucan, Bukidnon.

Sa report, simula ngayon Lunes, Setyembre 28 ay bawal na ang paggamit ng cellphone at iba pang mga gadgets sa Pangantucan Community High School, na pinatatakbo ng mga Jesuit religious group sa nasabing bayan.

Base sa pahayag ng pangasiwaan ng paaralan, ang paghihigpit ng seguridad ay bilang pagtalima sa Department of Education (DepEd) Order No. 006 s. 2026, hinggil sa pagtatatag ng Safe and Motivating Learning Environment sa pamamagitan ng pagbabawal sa portable electronic devises sa oras ng klase ng mga estudyante.

Ang nasabing polisiya ay alinsunod rin sa kasunduan sa ginanap na pagpupulong ng Ge­neral Parent-Teachers Association sa nasabing eskuwelahan noong Sabado.

Sa ilalim ng bagong panuntunan, ang mga estudyanteng nanga­ngailangan ng devices para sa kanilang pag-aaral ay kailangan munang kumuha ng awto­risasyon mula sa Office of the Academics.

Ang nasabing hakbang ay kasunod naman ng “online shooting threat” sa nasabing paaralan sanhi upang masuspinde ang klase matapos ang 911 emergency call na natanggap ng mga awtoridad.

Base sa report ang nagbanta ng pamamaril sa online ay gumamit ng alyas na “Jackie Bacusala” kung saan sa imbestigasyon ng pulisya ay na-track ang number ng cellphone sa isang parcel delivery rider.

Samantala, natukoy ang mga responsable sa online threat na tatlong Grade 7 students na nagkakaedad ng 15-16 na sinabing mula sila sa Valencia City pero natuklasang mga estudyante ng Pangantucan Community High School na napagtripan lamang ang nasabing pananakot sa online.

BUKIDNON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with