Bigtime ‘pusher’ sa Dasma huli sa P498K shabu
CAVITE, Philippines —Isang lalaking bigtime na drug pusher na nasa High Value Individual list ng pulisya ang nadakip ng pulisya sa kanilang isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Esteban, Dasmarinas City.
Kinilala ang suspek sa alyas “Bani”, kilalang notoryus na tulak sa kanilang lugar.
Base sa ulat ng pulisya, nagkasa ng buy-bust operation ang Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Dasmariñas City Police sa pangunguna ni Police Major Grenie Dolnagon, dakong alas-7:50 ng gabi sa Brgy. San Esteban at target ang nasabing suspek.
Nang makuha ng poseur buyer ang droga, agad na inaresto ang suspek na nasamsaman ng 3-transparent plastic sachet na naglalaman ng 83.82 gramong shabu na nagkakahalaga ng P498,824.
Narekober din ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Nakakulong na ang suspek na nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001.
- Latest




















