'Poison candy' kumakalat
August 21, 2004 | 12:00am
COTABATO CITY Nagbabala kahapon ang mga opisyal Department of Education sa Maguindanao laban sa kumakalat na nakalalasong kendi mula sa China makaraang malason ang walong mag-aaral sa elementarya sa bayan ng Parang noong nakalipas na linggo.
Ayon kay Dr. Maimona Candao, supervising chief ng medical section ng Department of Education, ang mga biktima ay halos magkakasabay na sumakit ang tiyan bago nagsuka matapos na kumain ng misteryosong kendi na nakalagay sa sachet.
Kasalukuyan namang nasa ligtas na kalagayan ang mga batang mag-aaral at nakakuha na ng sampol ng jelly-like kendi para masusing suriin ng kinauukulan.
Nakarating din kay Candao ang balitang may mga nalason ding estudyante matapos na kumain ng misteryosong kendi noong nakalipas na buwan.
"May mga nakasulat sa balat ng kendi pero pawang Chinese character maliban sa date ng expiration," ani pa ni Candao.
Ipinag-utos naman ni Parang Mayor Hadji Talib Abo sa mga kagawad ng pulisya na diskubrehin ang pinagmumulan ng misteryosong kendi.
Dinagdag pa ni Abo na sampahan ng kaukulang kaso ang sinumang nasa likod ng pamamahagi ng nakalalasong produkto sa mga pampublikong eskuwelahan sa nasakupang munisipalidad.(Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am