^

Probinsiya

2 sundalong bihag ng NPA palalayain na

-
Inaasahan ang ligtas na pagpapalaya ngayong araw ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa dalawang sundalong Prisoners of War (POW) sa Bicol Region.

Ayon kay New People’s Army (NPA) Spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal, ang mga bihag na sina Lt. Ronaldo Fidelino at Private First Class Ronel Nemeno ay nakatakda nilang palayain at iturn-over sa mga kinatawan ng pamahalaan na namagitan sa pagpapalaya sa silangang bahagi ng Bicol Region ngayon.

Nabatid pa kay Ka Roger na ang dalawang bihag ay dapat noong isang linggo pa nila pinalaya, subali’t pansamantalang ipinagpaliban nang matunugan ng mga rebelde ang presensiya ng militar na kumikilos sa itinakdang lugar.

Ang dalawang Army troopers na nabihag ng NPA nitong nakalipas na Marso 1 sa Tinambac, Camarines Sur ay palalayain sa hindi tinukoy na lugar matapos na sumailalim sa final medical check-up ng kilusan bago tuluyang ipasa naman sa mga kinatawan ng International Red Cross.

"Palalayain sila ngayon gaya ng aming pangako," ani Ka Roger sa isang panayam.

Subalit sinabi ni Rosal, sumang-ayon din ang militar na itigil ang kanilang operasyon kahit pansamantala lamang matapos na mamagitan ang isang di pinangalanang mataas na opisyal ng pamahalaan. (Ulat ni Joy Cantos)

BICOL REGION

CAMARINES SUR

INTERNATIONAL RED CROSS

JOY CANTOS

KA ROGER

NEW PEOPLE

PRISONERS OF WAR

PRIVATE FIRST CLASS RONEL NEMENO

RONALDO FIDELINO

SPOKESMAN GREGORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with