^

Probinsiya

80 aso na kakatayin nailigtas

-
NAGUILLAN, La Union – Aabot sa 80 asong kalsada na pinaniniwalaang ipagbibili at kakarnihin sa mga kainan sa Baguio City ang nailigtas ng mga kagawad ng pulisya makaraang masabat ang van sa bayan ng Aringay, La Union noong madaling-araw ng Martes, Agosto 10, 2004. Ayon kay Chief Inspector Robert Mesa, Naguillan police director, ang mga aso na nilagyan ng busal at pawang nakatali para hindi mag-ingay ay mula pa sa Batangas at tangkang ipagbili sa mga kainan sa naturang lungsod. Napag-alamang ipinagbibili ang mga aso sa halagang P500 hanggang P700 bawa’t isa. Nadakip naman ang drayber ng van na si Domingo Garcia at pormal na sasampahan ng kaukulang kaso. Dinala naman ang mga aso sa opisina ng Department of Agriculture sa Maynila para pagpasyahan. (Ulat ni Artemio Dumlao)

AABOT

AGOSTO

ARINGAY

ARTEMIO DUMLAO

AYON

BAGUIO CITY

CHIEF INSPECTOR ROBERT MESA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DOMINGO GARCIA

LA UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with