^

Probinsiya

Paslit nilatigo ng amain,patay

-
CAMP CRAME – Mapait ang sinapit na kamatayan ng isang 2-anyos na batang lalaki matapos na paghahampasin ng alambre ang biktima ng kanyang amain sa Cebu City kamakalawa.

Ang biktima na itinago sa pangalang Peter, residente ng Kalye Logarta ng Cebu City habang agad namang nadakip ang suspek na si Fabian Sotero.

Batay na ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, ang insidente ay naganap bandang alas-10 ng umaga sa loob ng bahay ni Sotero sa Kalye Logarta ng nasabing lugar.

Ayon sa awtopsiya, bumakat sa murang katawan ng biktima ang mga hagupit ng alambre kaya namantal at namaga ang balat ng paslit.

Inamin naman ng suspek sa mga imbestigador na pinaghahampas niya ng alambre ang bata pero ikinatuwirang nagawa lamang niya ito dahil sa sobrang kalikutan ng biktima.

Sa presinto, ipinakita ng suspek sa mga pulis kung papaano niya hinataw ng alambre ang biktima upang matigil ang sobrang pangungulit nito. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BATAY

CAMP CRAME

CEBU CITY

FABIAN SOTERO

INAMIN

JOY CANTOS

KALYE LOGARTA

MAPAIT

SOTERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with