^

Probinsiya

PNP vs NPA: 10 patay, 2 sugatan

-
ZAMBALES – Pitong armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA), dalawang tauhan ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF) at isang sibilyan ang kumpirmadong napatay makaraang magsagupa ang mga kagawad ng pulisya at grupo ng makakaliwang kilusan sa bulubunduking bahagi ng Barangay San Vicente, Palauig, Zambales kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na natanggap ng Zambales Provincial Police Office (ZPPO), kasalukuyan inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasawing rebelde na pawang tauhan ni Ka Miguel na kasapi ng Lino Blas Command.

Kinilala naman ang dalawang pulis na nasawi na sina: PO1 Alfredo Diaboco at Zainudin Iskak, samantalang sugatan naman sina: P/Inspector Jerry Corpuz at PO1 Michael Cantil na pawang nakatalaga sa Camp Conrado Yap sa Iba, Zambales.

Si Dading Aninza, 67, ay sibilyang nasawi makaraang atakihin sa puso dahil naipit sa naganap na sagupaan.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, nag-ugat ang madugong bakbakan sa pagitan ng mga rebeldeng NPA at pinagsanib na puwersa ng PNP-SAF at 314th PNP Provincial Mobile Group dakong alas-11 ng umaga ilang sandali matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa ilang konsernadong residente na may umaaligid na armadong kalalakihan sa Sitio Kauyan, Barangay San Vicente.

At nang rumesponde ang pulisya sa naturang lugar ay kaagad na pinaulanan sila ng bala ng mga rebelde na tumagal ng halos 4-oras ang naganap na engkuwentro sa bulubunduking bahagi ng Sitio Kauyan kung saan dito bumulagta ang mga rebelde at dalawang pulis.

Narekober sa isinagawang follow-up operations ang apat na M-14 automatic rifles, ilang subersibong dokumento at mga personal na kagamitan ng mga nasawing rebelde.(Ulat ni Jeff Tombado)

ALFREDO DIABOCO

BARANGAY SAN VICENTE

CAMP CONRADO YAP

INSPECTOR JERRY CORPUZ

JEFF TOMBADO

KA MIGUEL

LINO BLAS COMMAND

MICHAEL CANTIL

SITIO KAUYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with