Dayuhang wanted nasakote

CAMP CRAME – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang tinaguriang most wanted na dayuhan sa Bacolod City matapos na mamataan na naglalakad sa kahabaan ng Lizares Avenue sa nasabing lungsod.Naghihimas ng rehas na bakal ang suspek na si Zamir Al-Mudawed na mula sa bansang Bahrain. Dakong alas-6 ng gabi nang dakpin ang suspek bunsod ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Anastacio Rufon ng Bacolod City Regional Trial Court Branch 25. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments