Mag-utol todas sa kinaing laman-dagat
August 4, 2004 | 12:00am
CABA, La Union May posibilidad na nalason at namatay ang mag-utol na bata makaraang kumain ng laman-dagat na nabingwit ng kanilang ama sa Barangay San Tiago Sur, Caba, La Union kamakalawa.
Idineklarang patay sa Caba Medicare Community Hospital ang mga biktimang sina: Gerald Estalilla, 4; at Mel John Estalilla, 10, na kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay.
Napag-alaman na ang magkapatid ay nanakit ang tiyan saka nagsuka matapos na kumain ng pinaksiw na laman-dagat.
Sa imbestigasyon ng pulisya, noong Huwebes, Hulyo 29, 2004, ay nangisda ang ama ng mag-utol at niluto naman agad ang mga laman-dagat.
Makaraang kumain ng laman-dagat ang magkapatid ay nakaramdam nang pananakit ng tiyan hanggang sa magsuka at sa nasabing ospital binawian ng buhay.
Tumanggi naman ang mga magulang ng mga biktima na ipa-autopsy ang bangkay ng kanilang anak kaya walang nagawa ang mga awtoridad.
Nabatid na ang isa pang anak ng pamilya Estalilla na si Jeremy ay isinugod din sa CMCH na kapareha rin ang kaso ng dalawang pumanaw kaya inilipat sa Ilocos Training and Medical Center sa San Fernando upang suriin.
Lumalabas sa pagsusuri na ang kaso ng mag-utol na nasawi at kay Jeremy ay acute gastro-enteritis at intestinal parasitism at hindi sa kinaing laman-dagat. (Ulat ni Vic Alhambra Jr.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest