Trader kinatay ng kapitbahay
August 4, 2004 | 12:00am
SAN MATEO, Rizal Patay ang isang 55-anyos na negosyante makaraang pagtatagain ng kanyang kapitbahay na hindi niya pinautang ng isang kahong gatas sa Buntong Palay ng bayang ito kamakalawa ng hapon.
Agarang namatay at halos maghiwalay ang ulo at katawan ng biktimang si Luis Nilo, residente ng Purok 1 Buntong Palay ng nasabing bayan.
Samantala, agad namang naaresto ng pulisya ang suspek na si Lu Cabilles, 30, kapitbahay ng biktima.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:00 ng hapon nang magtungo sa tindahan ng biktima ang suspek upang mangutang ng isang kahong gatas para sa kanyang anak.
Hindi naman ito pinautang ng biktima kaya agad na umuwi ang suspek sa kanilang bahay.
Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik ang suspek sa nasabing tindahan na may dalang itak at agad na pinagtataga sa leeg at ibat ibang bahagi ng katawan ang nabiglang biktima.
Mabilis namang humingi ng tulong ang ilang kapitbahay sa pulisya na agad namang rumesponde sa insidente at nadakip ang suspek.
Kasalukuyang nakapiit sa San Mateo detention cell ang suspek at sinabi nito na kaya lang niya nagawa ang krimen ay dahil sa nagdilim ang kanyang paningin nang pagbalik niya ng bahay galing sa tindahan ng biktima ay makita niyang nagpapalahaw ng iyak ang kanyang nagugutom na anak. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended