^

Probinsiya

Truck hulog sa bangin: 3 patay

-
Camp Crame – Tatlo katao ang nasawi habang apat pa ang grabeng nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin hanggang sa bumagsak sa sapa ang isang ‘dump truck’ na may kargang ‘bermuda grass’ sa kahabaan ng Transcendal highway kamakalawa sa Cebu City.

Kinilala ang mga namatay matapos maipit sa dump truck na sina Roque Ibarita, Alex Campos at Rosalina Codeñera. Sina Campos at Codeñera ay kapwa dead-on-the-spot habang dead-on-arrival naman sa pagamutan si Ibarita.

Ang mga nasugatan ay kinabibilangan naman ng driver ng dump truck na si Reynaldo Sabroso at ang tatlo pang sina Dionie Craste, 37 anyos; Jude Cantara at Mario Atillo; pawang nilalapatan pa ng lunas sa Cebu Medical Center.

Sa report, bandang alas-9 ng umaga habang binabagtas ng truck ang kahabaan ng national highway sa may Sitio Puntog, Brgy. Babag 2, Cebu City ng mawalan ng preno ang dump truck hanggang sa mahulog ito sa tinatayang 12 talampakang bangin at malasin pang bumulusok sa sapa na ikinasawi ng mga biktima.

Ang nasabing truck ay pag-aari ng isang Jaime Chua ng Cebu Legacy Landscaper. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALEX CAMPOS

CAMP CRAME

CEBU CITY

CEBU LEGACY LANDSCAPER

CEBU MEDICAL CENTER

DIONIE CRASTE

JAIME CHUA

JOY CANTOS

JUDE CANTARA

MARIO ATILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with