Estudyante ni-rape ng 2 kaklase

LAUR, Nueva Ecija – Isang estudyanteng babae sa high school ang iniulat na hinalay ng dalawa nitong kaklase sa bakanteng kubo na sakop ng Brgy. San Isidro, Laur. Pormal na sinampahan ng kasong rape ang mga suspek na sina: Roel Padilla, 19 at Wilson Mercado, 1, na kapwa 4th year high school sa George F. Padilla National High School at naninirahan sa Sitio Pintol, San Joseph. Base sa record, napadaan ang biktima sa kinaroroonan ng mga suspek na nag-iinuman ng alak. Agad namang niyaya ng mga suspek ang biktima upang makiinom, subalit tumanggi ito kaya hinatak papasok ng kubo at halinhinang hinalay. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments