^

Probinsiya

5 barkong pandigma ng US dumaong sa Subic Bay

-
SUBIC BAY FREEPORT – Limang barkong pandigma ng Amerika ang dumating dito kahapon lulan ang may 2, 500 US sailors para sa panibagong RP-US training exercise na bahagi pa rin ng Mutual Defense Treaty ng dalawang bansa.

Dumaong dakong alas-10 ng umaga kahapon sa Alava Pier ng dating Ship Repair Facility (SRF) ng Subic Freeport ang barkong USS Russell, isang missile guided destroyer (DDG-59); USS McCampbell (DDG-85); USS Fort McHenry (LSD-43); USS Salvor (ARS-52) at ang US Coast-Guard high-endurance, Mellon.

Ang naturang pagsasanay sa pagitan ng kawal ng Pilipinas at Amerika ay bahagi ng Cooperation Afloat Readiness and Training-2004 (CARAT-04) na isasagawa sa loob ng 8-araw simula kahapon.

Ayon kay Logistic Group for Western Pacific US Navy Rear Admiral Kevin Quinn, ang nasabing joint war exercises ay para palakasin ang military-to-military relationships sa pagitan ng US at RP sa pamamagitan ng pagsasanib-puwersa sa larangan ng naval operations at paghahanda laban sa pandaigdigang banta ng terorismo.

Sinabi naman ni CARAT-04 Exercise Director Philippine Navy Capt. Ludivico Franco, may 1, 100 Filipino sailors kasama ang barkong BRP Artemio Ricarte; BRP Alberto Navarette; BRP Lanao Del Norte; BRP Hilario Ruiz at BRP General Mariano Alvarez ang isasabak sa isasagawang military naval exercises na gaganapin sa Cavite at Zambales. (Ulat ni Jeff Tombado)

ALAVA PIER

ALBERTO NAVARETTE

AMERIKA

ARTEMIO RICARTE

COOPERATION AFLOAT READINESS AND TRAINING

EXERCISE DIRECTOR PHILIPPINE NAVY CAPT

GENERAL MARIANO ALVAREZ

HILARIO RUIZ

JEFF TOMBADO

LANAO DEL NORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with