Mister dinedo dahil sa halaman

CAVITE – Binaril at namatay ang isang 46-anyos na mister ng isa sa lima nitong kapitbahay makaraang makipagtalo ang biktima tungkol sa paninira ng kanyang halaman sa Barangay Anabu 2-E, Imus, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Anastacio Mendoza ng Block 10 lot 14 Richlane Subd. ng nabanggit na barangay.

Samantalang, tatlo sa limang suspek na kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ay nakilalang sina: Noel Alvarez, Joseph Simon at Epifania Simon habang tinutugis naman ng pulisya sina: Efren Esguerra at Josephine Simon. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-2:30 ng hapon nang napansin ng biktima na nawasak ang kanyang alagang halaman kaya kinompronta nito ang mga suspek hanggang sa maganap ang insidente. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments