Estudyante pinatay sa loob ng eskwelahan
July 22, 2004 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Malalim na saksak sa likurang bahagi ng katawan ang ikinamatay ng isang 17-anyos na estudyanteng lalaki makaraang magkapikunan sa loob ng eskuwelahan na sakop ng Barangay Burol 1, Dasmariñas, Cavite kahapon ng umaga.
Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Jan Dumaguete, 4th year sa Dasmariñas National High School at residente ng Barangay Sampalok 4 ng nasabing bayan.
Agad naman tumakas ng suspek na itinago sa pangalang Eric dahil sa menor-de-edad ng Barangay Luzviminda, Dasmariñas, Cavite.
Sa nakalap na ulat mula sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus, Cavite, naitala ang krimen dakong alas-9 ng umaga habang naghihintay ng susunod na klase ang dalawa kasama ang kanilang kaeskuwela sa loob ng naturang paaralan.
Binirong sakalin ng biktima ang suspek habang nakaupo at naghihintay, subalit minasama nito kaya inundayan ng saksak sa likurang bahagi ng katawan.
Agad naman tumakas palabas ng kanilang eskuwelahan ang suspek sa hindi nabatid na direksyon.
May teorya ang pulisya na masyadong maluwag ang seguridad sa nasabing eskuwelahan kaya nakalusot ang patalim. (Ulat ni Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest