^

Probinsiya

Cellphone snatcher tsinap-tsap ng vigilantes

-
TARLAC CITY – Pinagputul-putol ang katawan ng isang notoryus na cellphone snatcher ng kilalang grupong vigilantes noong nakalipas na linggo sa lungsod na ito.

Ang biktimang si Dante Reyes, 28, ng Sitio Pag-asa, Barangay San Rafael, Tarlac ay nakilala lamang ng kanyang asawang si Josephine dahil sa tattoo nito sa ilang bahagi ng katawan.

Nadiskubre ang pangalan ng grupong vigilante "People’s Brigade" sa tabi ng isa sa bahagi ng katawan ng biktimang si Dante

Narekober pa lamang ng pulisya, ang dalawang hita at dalawang braso ng biktima na natagpuan sa magkakahiwalay na bahagi ng basketball court na sakop ng Brgy. San Rafael, Grand Mason Building sa kahabaan ng MacArthur Highway at malapit sa pamilihang bayan ng nasabing lungsod.

Ayon kay P/Supt. Tito Bayangos, hepe ng pulisya sa Tarlac City, ang fingertips ng biktima ay nawawala sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Sinabi pa ni Bayanos, na ang grupong "People’s Brigade" ay nagpapahiwatig ng matinding senyales ng pagbabanta sa mga elementong kriminal na namumugad sa naturang lungsod.

Patuloy namang hinanap ng mga tauhan ni Bayagnos ang iba pang bahagi ng katawan ni Dante na pinaniniwalaang ikinalat para hindi makilala. (Ulat ni Benjie Villa)

AYON

BARANGAY SAN RAFAEL

BAYAGNOS

BENJIE VILLA

DANTE REYES

GRAND MASON BUILDING

SAN RAFAEL

SITIO PAG

TARLAC CITY

TITO BAYANGOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with