^

Probinsiya

Jueteng sa Isabela lalong namayagpag

-
SANTIAGO CITY, Isabela – Sa kabila ng mahigpit na kampanya ng pamahalaang lokal sa lalawigang ito na pinangungunahan ni Gov. Grace Padaca laban sa sugal ay namamayagpag pa rin ang jueteng na ito kung saan anim na beses pang binobola sa loob ng isang araw.

Ayon sa mga residente rito, tatlong beses ang bolahan ng jueteng sa isang araw, subalit lumalabas na anim na beses ang kabuuang bilang ng pagbola dahil dalawang grupo naman ang humahawak ng jueteng.

Sa kabila anila ng takdang araw na palugit upang walisin ang jueteng ay patuloy pa rin at regular ang pangongolekta ng mga kubrador at mga jueteng operator.

Ayon kay Ka Mando (isa sa mga residente rito na ayaw magpakilala), may dalawang uri ng jueteng na nilalaro ng mga residente rito, ang tinatawag na "bago" at ang "luma" na di umano ay pinapatakbo ng dalawang malaking politiko kung kaya’t patuloy pa rin ang operasyon.

Maliban sa lungsod ng Santiago ay patuloy din at walang pinagbago ang operasyon ng jueteng sa bayan ng Cordon Isabela, ang bayan na nasa pagitan ng dalawang jueteng free na lalawigan, ang Quirino at Nueva Vizcaya.

Muli ay nagbigay ng babala si Padaca kay Senior Supt. Napoleon Estilles, police provincial director, na ipagpatuloy nila ang laban sa nasabing sugal. Iginiit pa niya na di siya makiki-alam sa kung paanong paraan disiplinahin ni Estilles ang kanyang mga chief of police na ayaw sumunod sa kanyang kautusan, ngunit may kalalagyan ang mga ito sakaling mabigo silang sugpuin ang jueteng sa buong lalawigan.

Iginiit naman ni Estilles sa kanyang mga opisyal sa naganap na provincial command conference sa Isabela-PNP headquarter ng Ilagan, na kanyang sisibakin ang mga chief of police na hindi susunod sa nasabing kautusan. (Ulat ni Victor P. Martin)

AYON

CORDON ISABELA

ESTILLES

GRACE PADACA

IGINIIT

ISABELA

JUETENG

KA MANDO

NAPOLEON ESTILLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with