Barangay tanod dinedo sa sayawan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – May posibilidad na napagtripang saksakin hanggang sa mapatay ang isang barangay tanod habang ang biktima ay sumasayaw sa kasayahang ginaganap sa Barangay Catalutuan, Sangay, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot pa ng buhay sa Bicol Medical Center ang biktimang si Roberto Flores ng Barangay San Ramon, Iriga City. Tinutugis naman ang suspek na si Arnel Mariano na nakapatay sa biktima dakong alas-10:30 ng gabi. Nabatid sa pulisya, na dating residente ang biktima sa nabanggit na barangay at dumayo lamang dahil sa Foundation Day ng kanilang bayan. May teorya ang pulisya na napagtripan ang biktima sa pag-aakalang baguhan sa naturang bayan. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments