Bata patay sa bundol ng van

BATAAN – Maagang kinalawit ni Kamatayan ang dalawang-taong gulang na batang lalaki makaraang mabundol ng van habang ang biktima ay nakatayo sa gilid ng kalsada na sakop ng Barangay Bilolo, Orion, Bataan kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot pa ng buhay sa St. Michael Hospital ang biktimang si Jan Paul Catipon.

Samantala, ang drayber ng van na may plakang WRJ-948 na si Jovel Mondido ng Barangay Ipag, Mariveles, Bataan ay pormal na sasampahan ng kaukulang kaso. Hindi naman nabatid kung papaano nahagip ng van ang batang nakatayo lamang sa gilid ng kalsada sa harapan ng kanilang bahay. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments