Kinilala ni Capt. Feliciano Angue, hepe ng Naval anti-terror unit ng Naval Task Force 62, ang isa sa napatay na bandidong si Ayub Bakil, lider ng kidnap gang, habang ang dalawa nitong malapit na alalay ay kasalukuyang bineberipika pa ang pagkikilanlan.
Hindi naman kasama ng tatlong napatay na bandido ang tatlong bihag na marinong sina: Indonesian skipper Walter Sampel, 53; Toh Chiu Tiong, 48; at Wong Siu Ung, 52, pawang crew ng tugboat M/L Ocean 2.
Ang tatlong marino ay dinukot mula sa naturang tugboat noong Abril 11 sa isla ng Linkian sa hangganan ng Malaysia.
Ayon kay Angue, kinordonan ng mga awtoridad ang safehouse ni Bakil upang malambat ng buhay, subalit nakipagbarilan sa mga tauhan ng Naval Task Force 62.
Sa nakalap na impormasyon mula sa civilian authority, na ang mga kidnaper na Sayyaf ay humihingi ng ransom na P10-milyon, subalit hindi naman kinumpirma ng militar ang ulat.
Kinumpirma naman ni Tawi-Tawi Governor Sadikul Sahali na ang tatlong marino ay bihag ng mga bandidong Abu Sayyaf at itinatago sa isa sa isla ng naturang lalawigan. (Ulat ni RDP)