British trader binoga ng sekyu
June 13, 2004 | 12:00am
Cainta, Rizal Isang 60-anyos na negosyanteng British national ang nasawi makaraang pagbabarilin ng isang security guard dahilan sa mainitang pagtatalo sa nasiraang sasakyan ng dayuhan na nakaharang sa isang subdibisyon na binabantayan ng huli sa Brgy. Sto. Domingo ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Mission Hospital sanhi ng tatlong tama ng bala ng baril sa likod ang biktimang kinilalang si William Ellis, ng #8 Monta St., Village East Subdivision, Barangay Sto. Domingo ng bayang ito.
Pinaghahanap naman ang suspek na mabilis na tumakas na nakilalang si Richard Zeque, 22, sekyu ng Chariot of Fire Security Agency na nakatalaga sa nabanggit na subdibisyon.
Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Romelito Ramos, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-6:35 ng gabi sa harapan ng gate ng nasabing subdibisyon.
Nabatid na nagloko ang makina ng sasakyan ng biktima at bunsod nitoy nagkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko sa may gate ng subdibisyon.
Dahil ditoy nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng sekyu na humantong sa pamamaril ng suspek sa negosyante gamit ang kanyang caliber .38 revolver.
Nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulisya para sa agarang pagdakip sa suspek. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest