4 bata nasabugan ng mortar
June 10, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Apat na menor-de-edad ang kumpirmadong malubhang nasugatan makaraang masabugan ng bala ng mortar sa naganap na sagupaan sa Barangay East Kuntad, Siasi, Sulu kamakalawa, ayon sa ulat kahapon. Kabilang sa nahagip ng shrapnel ng mortar ay nakilalang sina: Halkim Sali, 9; Faida Sali, 5; Almajuid, 11; at isang tinukoy lamang sa pangalang Alsid, walong taong gulang. Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang ala-una ng hapon nang magsagupaan ang grupo nina Barangay Chairman Alam Juani at Ending Jama sa nabanggit na barangay. Napag-alaman pa sa ulat na unang lumusob sa nasasakupang barangay ni Juaini ang grupo ni Jama kaya sumiklab ang kaguluhan hanggang ang grupo ng huli. (Ulat ni Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 20 hours ago
By Doris Franche-Borja | 20 hours ago
By Jorge Hallare | 20 hours ago
Recommended